Quote:
Originally posted by berberocka
Cherie Gil's "your nothing but a second rate trying hard copycat" >>>>>>>>> Norah's "walang himala,!" and "my brother is not a pig! hindi sya baboy!" though 
|
Iisa Pa Lamang Quotable Quotes of Bitchiness
Scarlet: Magsu-swimming ka lang naka-diamonds ka pa?
Catherine: Siempre, diamonds are forever, like me!
Isadora: 'Tsaka ang ganda-ganda mo na ngayon, Catherine...Sarap mong patayin!!!
Isadora: Kung gaano ka katayod lumipad, ganoon ka rin kabilis lalagapak. Ouch!
Catherine: Senior Vice President ako ng compañiang ito, ako ang legal wife ng may-ari ng compañiang ito, tauhan lang kita, at higit sa lahat, madrasta mo ako! Kaya layuan mo ako. Get out of my sight! Leave! NOW!!!
Scarlet: Look who's here, my favorite stepmother. Ang dating Gold-digger in Red, isa na ngayong Merry Widow in Black. Ha! Kung sa bagay, mas bagay sa iyo iyang itim, kakulay ng budhi mo!
Catherine: Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?
Scarlet: Dinadaan sa forma, wala namang alam!
Catherine: Ako bang pinariringgan mo?
Scarlet: Tinatamaan ka?
Catherine: Kung ayaw mo sa akin, simple lang naman, 'e; 'di umalis ka!
Scarlet: Ako pa talaga ang pinalayas mo!!
Scarlet: Kahit saan tayo makarating, sampid ka lang, at ako ang tunay na dela Rhea.
Catherine: Mmmm...bakit, sino ba ang nagsabing mixed breed ka?
Scarlet: Eheheh...ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi, napansin ko, kaya mong magbiro, kaya lang, ang corny mo.
Catherine: ...
Scarlet: Anyways, gusto ko lang malaman mo na, lahat ng ito, hindi ito permanente. Lahat ng iyan, babawiin ko rin sa iyo.
Catherine: Sige, maglaro tayo: Agawan ng Yaman.
Catherine: Pero kung ako sa iyo, kakabahan ako. Kasi ako, sanay sa hirap. 'E ikaw?
Isadora: Nasaan si Catherine?
Luella: Busy siya.
...
Luella: Sandali, sandali lang!!
Isadora: Bitawan mo nga ako!
Luella: Sandali nga!!
Isadora: 'Di ba sinabi ko sa iyo na huwag mong pakialaman ang hacienda?! Akin ang Amadesto!!!
Catherine: Correction! 50-50 kayo ni Martin...at sa pagkakaalam ko, marami rin siyang shares sa iba pang mga properties mo.
Catherine: Kagaya ng: bahay na tinitirahan mo, iyong coprahan, pati na rin iyong mga kabayo...at pati na rin iyong Castillejos Memorial Hospital.
Catherine: Naaalala mo, kung saan mo ako kinulong?!!
Catherine: Lagyan ko kaya ng partition? Lagyan ko kaya ng tali sa gitna?
Catherine: Ano sa tingin mo, Isadora? Hatiin na natin?
Isadora: Gusto mo ikaw ang itali ko?!
Isaodra: Pa-sweet-sweet ka pa diyan, GANID ka rin pala!!!
Catherine: Hah...Ang bigat naman ng salitang iyon, Isadora...pero totoo; oo, GANID ako!!
Catherine: At gusto ko, ni cinco walang matira sa iyo!!
Isadora: Walang hiya ka!! Bakit mo ipinasunog ang hospital?
Catherine: O, 'e, ano ngayon?
Isadora: ...
Catherine: ...
Isadora: Wala kang karapatan para ipasunog iyon! Wala kang karapatan!!!
Catherine: 'E, anong gagawin mo? Kakasuhan mo ako???
Catherine: Pero papaano iyon? Paano mo kakasuhan ang may-ari ng hospital?
Catherine: Kasi 90% noon pagmamay-ari ni Martin...NA pag-aari ko na ngayon. Anong gagawin kaya noong 10%?
Isadora: ...
Catherine: Ay, oo nga pala, buo pa iyong Parking Lot!! Ibinibigay ko na sa iyo.
Isadora: HAYOP KA! HAYOP KA TALAGA, HA!! HAYOP KA!!!
Employers: Ma'am, okay lang po ba kayo?
Catherine: Okay lang, don't worry, best friend ko ito...
...
Catherine: Iba na situacion ngayon, Isadora.
Catherine: Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano...kahit ikaw! Magkano ka ba?
Isadora: Hayop ka!! Kahit kailan, hindi mo ako mabibili at hindi mo akong kayang bilihin!!!
Catherine: Hmmm...kung sa bagay, ayoko sa iyo, mumurahin ka, 'e...
Catherine: Pero iyong anak mo, ibebenta mo, ha?
Catherine: Sige na...Promise, hindi ako tatawad...kahit used goods na...Okay lang...
Catherine: Pag-isipan mo...
Isadora: O, anong gimmick naman iyan? Santa Claus? Charity Work? Para sa mga homeless kids? Hipocrita...!
Catherine: Pagod ako, huwag kang loloko-loko!!!
Catherine: Baka gusto mong ihampas ko itong bag ko sa iyong mas mahal pa sa iyo?!!
Isadora: Hahahaha...
Isadora: Sa bagay, ako rin, 'e; pagod makipaghampasan. Next time, okay?
Isadora: In fairness, ha, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan, ha?
Catherine: Natatakot ka ba sa akin, o, sa sarili mo? Alam mo, bibigay ka rin.
Catherine: Pakisabi sa visita mo, ayoko ng nangangamoy basura ang bahay ko.
Catherine: Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo ang lahat sa kaniya: matapobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!!
Sofia: Don't you dare say bad things about my mother!!
Sofia: Compara sa iyo, angel ang ina ko!
Catherine: Angel na may sungay!!!
Isadora: Oo, may sungay! Para suwagin ka!! Para mauna ka na sa infierno!!!
Catherine: Hmm...matagal-tagal na kayong inaantay doon. In fact, balita ko, si Satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-iina.
(Slapping scene follows)
Isadora: Oh, aren't you excited to see me?
Scarlet: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at magpa-root canal que sa ang makaharap ka?!
Isadora: Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing-ganda ko, o, 'di wala nang bibili ng toothpaste…I'm so witty!!!
Scarlet: Ano ba talagang pakay mo? I'm sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang ipinunta mo dito, 'di ba? Business? Monkey business?
Isadora: Oo, at napaka-decenteng monkey business: Politics!
Isadora: Ba't mo ako sinampal, biyenan mo ko!
Scarlet: 'Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan. 'Di lahat ng biyenan, pinapatulan! Para iyan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!
(Scarlet leaves, leaving Isadora alone)
Isadora: Sakit noon, ha!
Scarlet: Tapos ka na sa Gold-digger in Red. Tapos ka na rin sa Merry Widow in Black. Ngayon, baka puwede ka nang Dirty Mistress in Dirty Brown.
Scarlet: "Same to you, anak", remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma's a Bitch, and so are we…”
Isadora: Bakit ginalaw mo ang coprahan?!
Catherine: Hindi kumikita!!
Isadora: Walang hiya ka!! Wala kang karaptan!!
Catherine: Kailangan ko pa bang i-explain uli sa iyo na part-owner ako ng Hacienda Amadesto?!!
Isadora: Magbabayad ka, Catherine!! Sisiguraduhin ko na magbabayad ka!!
Catherine: Hmm...Nagkakamali ka!! Ako ang binayaran, dahil ako nakabenta...
Catherine: Alam mo, kung ako sa iyo, Isadora, magpasalamat ka dahil hindi ko ibinenebenta iyong bahay...PERO...iyon ang isusunod ko!
Isadora: Magbabayad ka!!! Magbabayad ka!!!
Isadora: Mrs. Catherine Maperang-mapera E. Huthutera viuda de Impostora
Scarlet: Catherine!!
Scarlet: Catherine, hindi pa tayo tapos!!
Scarlet: Lalabanan kita, sinisigurado kong walang kahit na sinong Judge ang maniniwala sa iyo dahil sirang-sira na iyang reputacion mo!!
Scarlet: You're just a liar. You're just a *****!!!
Catherine: *****? Ows?? Scarlet...ako *****?
Catherine: At least ako, hindi ko kailangang magbayad ng PHP 2,000,000 para lang may makipag-date sa akin.
Catherine: Noong una, si Miguel, binili mo. Ngayon naman, si Raphael.
Scarlet: Walang hiya ka!!
Catherine: Mas walang hiya ka!!
Scarlet: Home-wrecker!!
Catherine: Adulteress!!
Scarlet: Social Climber!!
Catherine: ****!!
Scarlet: Black Widow!!
Catherine: DESPERATE HOUSEWIFE FROM HELL!!!
(Slaps between the two, and Catherine attempts to upturn Scarlet from the balustrade and from the staircase.)
Catherine: Hello Scarlet!
Scarlet: Anong ginagawa mo dito?
Catherine: Nagpunta lang ako dito para batiin ko kayo; visitahin kayo.
Scarlet: 'Yun lang? OK, o, 'di umalis ka na!
Catherine: Not so fast! Hindi niyo pa ba nababalitaan ang good news?
Catherine: Haah...Ako ang nakabili ng Dela Rhea Foods Company!
Catherine: Ako ang majority owner ng compañia!
Catherine: So from now on, ako na rin ang Boss mo!
Catherine: Tsk...Kaya kung ako sa iyo, sanay-sanayin mo na ang sarili mo na tinatawag akong "Ma'am"!
Catherine: Oh, and before I forget. Tuwing papasok ako ng oficina, gusto ko, ipagtimpla mo ako ng cafe. Iyong black. Very black! Kasing-pait ng buhay na ipanglalasap ko sa iyo!!
(Commercial)
Scarlet: No!...No!...Haah, No!!
Scarlet: You're bluffing, Catherine! This is impossible; wala kang pera! Papaano mo mabibili ang stocks? You don't have the means!! Or unless, nagpakasal ka na naman sa isang matandang lalaking malapit nang mamatay nang hindi ko nalalaman!
Scarlet: Once a ****, always a ****!!!
Catherine: Alam mo, Scarlet, ang hirap sa iyo, hindi mo kinikilala ang mga kinakalaban mo!!
Catherine: Ngayon, talo ka na! Ikaw pa itong may ganang magmalaki!
(Scene change to Raphael and Estelle)
Catherine: Matagal rin akong nagtiis...at nagtimpi...sa mga kabaliwan mo!
Catherine: Pero, sinubukan kong intindihin na isa ka lang babae, na pinaglalaban na mabuo ang familia; naghihiganti dahil iniwan ng asawa.
Catherine: Pero kahit ilang beses kong sabihin sa iyo ng paulit-ulit na wala na akong interes kay Miguel, na pakakasalan ko na si Raphael, na talagang minahal ko, hindi mo pa rin ako tinitigilan!!
(Scene change to Raphael and Estelle)
Catherine: Away ang gusto mo, kaya simula na ito ng guerra! Magtago ka na! Baka gusto mong pasabugin ko iyang pagmumukha mo!
Catherine: Ano, Scarlet?!! Ngayon, ilabas mo ang tapang mo!!
Scarlet: Go to Hell!...Go to Hell!!...GO TO HELL!!!
Catherine: I'll see you there...!
Catherine: Hahahahahahaha!!!
Scarlet: Because the enemy of my enemy is my friend!!!
Scarlet: That's the Murderess in Yellow!
(Isadora or Marco): Ang dami talagang sinungaling sa mundo.
Congressman (na friend ni Raphael): Ayaw kumanta, 'eh. Kaya medio iibahin natin ang tugtugin.
Isadora: Ibang level 'to! Dahil hindi 'yung chipanggang kumunoy na iyon ang papatay kay Isadora!!!
Pinaka-favorite kong quote ('di exacto 'yung quote):
Martin: What's going on here?
Catherine: A-ah...tinatanong ko lang sa kaniya kung...saan niya nabili 'yung scarf niya; ang ganda kasi, 'eh.
Isadora: (Almost in a whisper) Plastic...!
Catherine: (Also in a whisper) Ikaw rin naman...
And presenting, the most classic and famous of them all...
Catherine: Pabayaan mo na kami ni Martin.
Scarlet: At para ano? Para mahuthutan mo ng pera ang Daddy ko?
Scarlet: Hindi ako papayag doon dahil isa ka lang transferee.
Catherine: 'Di ba pareho lang tayo? Pareho lang tayong nakikinabang sa pera ni Martin!
Scarlet: Anak ako; dugo't laman!!
Catherine: Anak ka lang, asawa niya ako!!
Catherine: Lahat ng pag-aari ni Martin, pag-aari ko na rin!!
(Catherine leaves but Scarlet catches her)
Catherine: Huwag mo akong susubukan!! Kagabi pa ako nagtitimpi sa iyo, ha!!
Scarlet: Masakit?! Bakit, hindi ba totoo?!!
Scarlet: YOU'RE JUST A GOLD-DIGGER IN RED!!
(Catherine pushes Scarlet into the couch)
Scarlet: Aayyy!!
Scarlet: DAMN YOU!!
Catherine: Same to you..."ANAK"!!! Same to you...!!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>