Quote:
Originally posted by skYiaN.cLoUd
The freaking rain is slowing my internet down...
May bagyo na naman???
|
Ang Kalakhang Maynila ay makakaranas ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Timog ang iiral at ang Look ng Maynila ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 33 antas ng Celsius (75°F hanggang 91°F).
Ang Katimugang Luzon, Kabisayaan at ang Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging maulap na may malawakang mga pag-ulan sa Silangang Kabisayaan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
Katamtamang hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Mindanao at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula sa Timog-kanluran hanggang sa Timog-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. SYNOPSIS : AT 2:00 AM TODAY, THE LOW PRESSURE AREA (LPA) WAS ESTIMATED BASED ON SATELLITE AND SURFACE
DATA AT 530 KM EAST NORTHEAST OF BORONGAN, EASTERN SAMAR (12.0°N; 130.8°E) EMBEDDED ALONG THE
INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE (ITCZ) AFFECTING SOUTHERN LUZON, VISAYAS AND MINDANAO.