Alden Richards causes pandemonium at 29th Star Awards for TV
by*Eric L. Borromeo*posted on*December 4, 2015
Naunang dumating sina Enrique at Liza.Sigawan ang LizQuen fans na iwinawagayway pa ang kanilang mga tarpaulin. Makalipas ang halos kalahating oras, dumating naman si Alden sa kalagitnaan ng programa.
Dito na nagkagulo sa loob ng venue. Kami mismo ay nawala na ang pokus kung sino ang nasa stage. Napuno na ang venue ng hiyawan at tili ng fans. Walang tigil iyon hanggang maiupo na si Alden sa kanyang puwesto.
Tumigil ang programa. Nakiusap na ang floor director sa mga tao na kung maaari ay “magpakahinahon” muna para maipagpatuloy ang seremonya.Umalingawngaw rin sa loob ng KIA Theater ang pangalan ng Pambansang Bae na isinisigaw ng mga tao: “Alden! Alden! Alden!”
PANDEMONIUM.
Matapos ang isang gap, dito na nagkagulo ang mga tao.
Daluhong ang mga fans na gustong makalapit at makapag-picture kay Alden. Tumawag na ng security dahil talagang maiipit hindi lang si Alden kundi pati ang mga artistang katabi niya. Kami mismo ay tumulong na rin sa pagharang sa mga fans dahil nagkakatulakan na. Tumayo na rin ang producer ng show na si Tess Celestino para harangin ang mga fans, pero patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao.
Nag-aalala rin kami para kay Liza na naiipit na rin ng fans. Pero
kitang-kita namin ang reaksiyon nina Liza at Enrique, na tila hindi makapaniwala sa pag-mob kay Alden ng mga fans. Doon na nagdesisyon na dalhin na lang si Alden sa backstage sa isang dressing room, dahil talagang naaantala na ang programa.
Hindi na mapigilan ang mga tao kahit may malalaking katawan na marshalls na pumipigil sa mga ito. Natuloy lang muli ang programa nang maialis na si Alden sa audience.
ENCOUNTER WITH MAJA.
Lumabas lang muli si Alden ng dressing room nang iaanunsiyo na ang major awards. Pansamantala na namang naantala ang programa dahil nagkagulo muli ang fans. Pero nakontrol naman agad ito.
Isang photographer naman ang nagkuwento sa PEP ng naging pag-uusap nina Alden at Maja. Para maiwasang magawan ng isyu ang pagtatabi nila ni Alden, sinabihan daw ni Maja ang Kapuso star ng: "Usap tayo, Alden, pero diretso lang ulo natin at huwag tayo magtinginan."
Humingi naman daw ng dispensa si Alden kay Maja dahil sa inconvenience na hindi naman niya sinasadyang mangyari. Pero nagbiro pa raw si Maja na baka magka-stiff neck siya dahil sa ginagawa nila.
Sabi pa raw ni Maja kay Alden:* "Lilingon ako sa kabila. Ayoko humarap sa iyo.”
Sina Alden at Maja ang nanalong Best Drama Actor and Actress para sa pagganap nila sa mga teleseryeng*Ilustrado*at Bridges of Love, respectively.
Matagal na rin naman kami sa showbiz, at ilang awards night na rin naman ang nairaos ng PMPC, pero kagabi ang kauna-unahang pagkakataong nasaksihan namin ang kakaibang klase ng “hysteria” para sa isang artista. Ito ay sa kabila ng masasabing dinomina ng Kapamilya stars ang nasabing awards night—mula sa hosts hanggang sa awardees. Maliban pa sa ipalalabas ng Star Awards for TV sa ABS-CBN. Isa lamang si Alden sa iilang Kapuso stars na dumalo sa awards night, ngunit walang duda na siya ang naging “star of the night” dahil sa nilikhang ingay ng kanyang presensiya.
Read more at
http://www.pep.ph/news/61100/alden-r...TS2CvkUFYYu.99
the IMPACT of ALDUB is too hard to deny